- 92 days
Ill stop speaking again,
but write
in letters of fire. and burn alongside.
like a sacrifice.
as for your leaving,
Ill fade away time
watch it rivulet away like molten steel
running along my arms.
etch it, carve it.
and proclaim myself found. and hurting.
then I look for you.
reflections
whatever have we thought
in each other's frame of mind
the daydreams, the reveries.
and the far haunted look
we see on each other's faces
everytime we meet
a hundred arms' reach away.
for instead we
glorify ourselves,
on the smiles we melt
from our frozen faces
for some odd moments
we meet
like old friends.
like recent lovers.
holding
hands again.
then again
it was supposed to be this way.
Mary Poppins in softporn.
singing what her favorite things were.
only this time
she smokes three cigarettes
one after the other
and another.
Like brown twisted leaves and
boyfriends.
And then she
leaves also.
As her life suggests.
but then again, it's nice to
remember...
to shake my head
in feigned disbelief.
and helplessly smile
As old people do.
it was supposed to be this way.
* reflections and an earlier version of "then again"
are in poetry.com
sa paghuna
ta si paghuna ta kasubago mauran.
Madaradagom.
malipot si duros,
kaya naghalat kita
sagkod nagrewind ning dikit
kang mga pirang bulan.
duman sa sofa.
na naka-abot kung sain man
puedeng uranan.
tapos kape, hadok.
sabay halat giraray.
nag-alok ka na mapauran kita.
na garo mga aki, na
garo nakamati pa lang ning lipot,
sabi ko iyo,
pero habo ko muna maghali duman
sa kaimbungan kang paghalat ta.
Iyo nyako,
ulay na muna kita,
mayo pa man ang lipot kang uran.
dai naghulog si uran kang hapon,
banggi na kang nasa taas kita.
nagdadangog sa ribok, kang atop.
imbong na lang gabos.,
sagkod kugos.
iyo gayod
Ta pirmi nganing mayo,
daog pa ang uran, saka tamang sinsilyo
para pampleti.
sabi ko palan dai paribayan
si dos cientos, ta
ubos tulos yan.
Maulay na naman lang kita kayan
ning pagkakan na dai ta man
mananamitan. pero
pirmi ngani siyang mayo,
bitbit ni ina niya
daog pa ang aki,
Si ina niya.
Bako ka man ido na bubutasan,
masabi kuta ko.
pero baka magtuninong ka giraray
garo saldang ngonyan.
(tian lang sa paso.)
Kaya, ngonyan na nakalayas ka
para sa hapon na ini.
alokon ta ka na magpaduros
sa Basilica.
na dai muna mabilang oras.
na mayo sinda.
mayong iba
Kung gusto mo.
atchan na lang kita makape.
© David Emmanuel Alano
23, and writing on and off. better known as bonks. And thinks
writing is a discipline but havent gotten around to proving
it.
Sandalwood
The sweet smell of sandalwood rises
Up from your beard,
More intoxicating than any incense
Ive ever know,
More enveloping in its subtle, yet pungent lure,
Calling me to come wrap myself in your arms
And lose myself in your scent.
A Kiss Across the Ocean
If I put all my heart
and soul
Into it
Will you feel my lips
eight thousand miles
away?
Rose
for Rozzie and Yossi
He says he loves her like a rose
garden, and likens her to
a budding, blooming flower,
alone in its perfection, that
opens only for him.
© Aurora Antonovic
Aurora Antonovic is a Canadian freelance writer and visual artist.
She is the former co-editor and columnist for the now-defunct GT
Times. Her poetry has recently appeared in Poetic Voices, The Sidewalks
End, Megaera, Thunder Sandwich, Reflections Journal, and Poets
Pen. She currently resides in Ontario.
-
The Pallbearer
So
sweet
is
the
speech
I
hear
the
wooden
handle
is
heavy
in
my
palm.
© Danny P. Barbare
Danny P. Barbare's poetry has appeared in Writing Ulster, Weyfarers,
Scribble on the Net, The Plaza, Candelabrum, and many other international
publications. He lives in the Southern Appalachian Mountains of
the USA. He has been writing for twenty-one years. He works as a
custodian at a local elementary school, where he often shares his
poetry.
Voice
The inevitable lingers.
The last moment, you hear the voice
That used to be the sound of your soul
Neither fiber-optics nor cable
Of the phone could ever send
The clearest sound of that voice.
You held the phone----
The dial tone screams.
The yelling quietude
Deafens your ear
As you long for the sweetest sound
That will never reverberate...
Never be heard...
Only the echo of deafening solitude.
Tanaga ng Kababawaan at Kalaliman
Kababawan?
Nagpatutsada ako
Ng isang satiriko
Napikon mga gago,
Magsasampa ng kaso
Kalaliman?
Pilit kang dumidiga
ng sariling patawa.
Ikaw lang ang tumawa
ngumisi naman ang iba.
Tingi-tinging ulirat
Mañana
(paumanhin kay Bobby Añonuevo)
Tul;dok;ku;wit;ang;
a;king;pa;nga;rap;
min;sa'y;na;nga;nga;lay;
min;sa'y;na;a;a;pu;hap;
Ang;ma;ga;ga;wa;ko;nga;yo'y;
Mu;li;kong;pi;nag;pa;bu;kas;
Sa aking pagiging leyt
(muling paumanhin kay Bobby Añonuevo)
Na:pa:ka:ku:pad:ko:ka:ya:
tu:tul:dok:ang:
o:ra:san:at:a:ko'y:
hi:ni:ya:wan:
Na:pat:da:
a:ko:at:na:pan:sing:
na:pa:ka:bi:lis:ng:mun:do:
sa:man:ta:lang:
na:pa:ka:ba:gal:ko:
Ka:ya:wa:la:nang:da:hi:lan:
upang:mag:ma:da:li:
da:hil:mu:li't:mu:li:
A:ko'y:hu:li:
© Alvin Diano Campos
24, ng Grace Park, Caloocan City, Lyceum Journalism graduate,
kasalukuyang proofreader ng Manila Bulletin at miyembro ng Batch
14 Ricky Lee Scriptwriting workshop. Siya ay naghahanap ng dalumat
sa kanyang pagsuong sa mundo ng Panulaan.
PAGSUSUMAMO
Hinulma sa aking mukha
ang bigat ng buong mundo.
Kaya akala ko,
kahit hindi ako makisumamo,
mababasa mo sa gatla ng aking noo
at pagtakas ng kulay sa labi
ang aking pangangailangan.
Dinakip ko ang pumpon ng mga salita sa hangin
at tinangka kong kausapin ang mga halaman.
Tinanong ko ang mga langgam, ipis at butiki
at saka ko tinantiya ang nais kong ipahiwatig.
Nanipis na siguro ang aking tsinelas
Sa atras-abante kong paghakbang.
Hinanap ko ang pagkakataon
at tamang tiyempo ng pagpasok
katulad ng larong pagpaikot ng balagon.
Huminga ako ng malalim
at nilunok ang laway.
Subalit ng mabitawan ang pinabait, pinaliit
at nagsusumamo kong tinig-
Lintian!-
Di man lang pala pagbibigyan.
PINAGROK
Exodo 20:12: Galangan mo an saimong ama asin ina, tanganing maglawig
an saimong aldaw sa daga na itinao nin KAGURANGNAN saimong Dios.
Patawaron ako nin Dios, 'Nay!
Hilinga:
Kun ika hapulason ni Tatay,
garo ka puyo sa kaldero
na pinugok asin dinukdok nin sigid.
Haros malapnos an saimong kublit
siring sa kiskis kan puyo
na nilamasa kan pahingurag na gihoy.
Dangan minarokrok ka sa malipot na lanob
asin minaagrangay sa lanit
kan pinahid na algudon
na basa-basa sa maisog na alkohol.
Siring sa puyong nakarokrok sa malipot na tingga
nagpipilik-pilik sa lanit kan binubong suka,
sinabwag na sibulyas, bawang, laya
asin tinultog na paminta.
Dangan masisiripan ko an saimong mata
mantang hinahapiyap an lanog na lawas
nagbubutas nin dakol na luha
siring sa ganot kan nakasunad na kaldero,
nakikidumamay sa agrangay kan puyong pinagrok.
Dangan aroatyan, mahihiling ko
mapahadok ka ki Tatay!
'Si niya!
Kun ika, 'Nay, sarong pinagrok,
panamita si tatay kan saimong siram
alagad dai nungka magtugot
na ika maubos
na dai madugi an saiyang halanuhan.
KARITELA NIN SAKONG TATARAMON
Dai na maaambunan,
Ni dai na mauuranan.
Rurunuton an pesteng aloy sa daga
Asin isasabwag an alpog
Sa kahiwasan.
Aamuon an kabayo
Ngarig an sakong tataramon
Idalagan
Asin nungka na magadan.
Gagrasahan ko an saiyang rueda
Kan sakong mga rawit-dawit
Asin pakakarhayon ko an lanob
Kan sakong mga osipon.
Pupusugon asin papagayunon
Kan sakong mga berso
Ngarig isuno an sakong awit
Nin mahiwas na paglaom
Asin maogmang pangaturugan.
Sa labot na daga
Asin nakakapaot na kalot,
Ibabarewas an pagkamoot
Na labi pa sa itinao ni O'Brien,
Schumacher, asin Lobel.
Kaya tatanuson ining dalan
Kan sakong mga orog-orog
Asin lilinigon an doot
Kan sakong mga tigsik.
An gapong nakakaulang
Igigilid kan magayagaya kong sonata.
Hare na ako padangoga
Kan tingog kan agila.
© Estelito B. Jacob
Cry Baby
None of token calypsos of old.
The custom now, a candid quiver
Of wills, caution versus raw hunger.
Palm leaves flout a way with the wind.
Marina, minutes keep a ledger
Of your longing for company.
No fund in nature for you today.
Only your placement is certain
Among the pocket litter of dunes.
Let on the sunshine in the scuttle
Of first creatures, in the white blast
Of pebbles, in the clumped waking
Of sailors, in the sheer lark of children.
Marina, ages rig an armada
Of your yearning to belong.
No message for you in a bottle.
You comb the shore to conduct
The marriage of true finds.
Cry, baby, over an inventory
Of crushed egg shell, fish kill, oil spill.
A hundred years hubris coaxes.
You dream even more of daughters.
© Rosendo M. Makabali
Angeles City, Philippines
website: http://www.geocities.com/birdandegg
-
sa saudi may bayani
magagarang kotse,maluluwang na daan
malawak na karagatan,bakod naman nakaharang
maaayos na tahanan di mo naman masilayan
pati bintana ginawa pang may silipan.
ibong uwak nagliliparan
nagkalat sa buong kapaligiran
agawan sa pagkaing itinapon sa daan
di alintana masagasaan ng sasakyan.
pilit man na ako'y bigyan ng kasayahan
di ko magawa dahil ako'y napipilitan
iba pa rin ang bansang iniwan
kahit walang pera ligaya naman mararamdaman.
ang pagparito'y di ko pinagsisihan
upang ang hirap sa abroad masubukan
ipaalam sa bansang iniwan
bayani kami para sa kaunlaran.
O.F.W. sa aming pagbabalik
kumusta na kaya ang iniwang bayan
dahil sa hirap pansamantalang nilisan
upang makamit konting karangyaan
buhay na may kalayaan akin munang kinalimutan.
bansang iniwan di pa rin masilayan
tunay na kaunlaran puros pa rin kahirapan
dahil sa pulitika parati na lang iringan
nangangampanya na malayo pa botohan.
di man lang kami maalala dito sa ibang bansa
iniwan ang pamilya dala ang pangarap para sa kanila
sa hirap at konting kita sila lang ay mapasaya
pagtulong sa kalagayan namin wala man lang magawa.
sadya nga bang ganito aming kapalaran
iniwan ang bayan makamit konting kasaganaan
pagod sa trabaho at kalungkutan kinalimutan
upang patunayan bayani rin kami sa aming bayan.
panalangin ko lang pagbalik sa aming bayan
mayroon nang pagbabago tunay na kapayapaan
maayos na gobyerno disiplina sa mamamayan
upang ang kagaya ko di na bumalik sa pinanggalingan.
wala nang hihigit pa manatili sa sariling bansa
kahit konti ang kita mahal sa buhay naman ay kasama
tunay na kaligayahan hindi pilit na pagsasaya
sa aming pagbabalik eto sana ay aming madama.
K.S.A. - kwentong site sa arabia
pagbaba ko pa lang ng sasakyan mga tao akin nang nasisilayan
pokpok ng martilyo, halo ng semento sa may daan
sari-saring lahi, ibat-ibang salita mapapakinggan
simula na naman trabaho sa aking pinapasukan.
pangkaraniwan na sa akin mga sigawan
mga nakasimangot at bating "alaiko musalam"
muslim at kristiyano wala akong pakialam
trabaho'y magampanan walang personalan.
pagdating ng tanghalian sama-sama kami sa kainan
manok at kanin na ulam siya naming pinagsasaluhan
konting kwentuhan pagod lang ay di maramdaman
panandaliang tulog dagdag lakas sa aming katawan.
di mo bakas sa kanila pagod na nadarama
kailangan gawin dahil ito ang utos sa kanila
minsan napipilitan daanin na lang sa konting patawa
para maiwasan di pagkakaunawaan sa isa't-isa.
sa araw-araw na sila'y aking nakakasalamuha
marami akong napuna sa buhay nilang tinatamasa
sa hirap at pagod kapalit ng konting kita
kasama pa ang lungkot malayo sa pamilya.
sa paglipas ng buwan marami akong natutunan
sa mga taong nakasama at hirap na nasaksihan
mapalad daw ako trabaho nila'y di ko nasubukan
di lang nila alam mas mahirap aking ginagampanan.
tingin ko sa kanila ay di naman naiiba
nagkataon lang sa trabaho kami ay magkaiba
sa mabuting pakikisama kami ay nagkakakilala
maging bahagi ng buhay, alaala ng saudi arabia.
© Noel Malicdem
Jeddah, Saudi Arabia
-
KRIS Y KRUS
Nabulabog ang sanlaksang fauna at ang luntiang flora
sa kalansing ng punglo sa hangin,
at nagpambunong saglit ang bala at balát,
nagunahan sa pag-agos ang lansa at alat..
Si Allah at ang bathala mistulang bulag sa karahasan
at bingi sa alingawngaw ng hiyaw ng kamatayan
habang ang talim ng Kris na sa karahasan hinasa
ay humihiwa sa katawang nabuhay sa ostiya
at ang umaapoy na bala ay unti-unting nagsusumiksik
sa murang buto ng binatilyong mujaheedin.
Walang bisa ang lahat ng dasal.
Binuwag ang kapangyarihan ng kalasag na bibliya at koran.
Sa mga sandaling iyon morpina ang naging diyos
ng lahat ng agaw-buhay na mandirigma.
At ang pagal na lupang pinagbuwisan ng hininga,
nabungkal sa mga yabag ng botang pandigma
nabinhian ng mga mamula-mulang pira-pirasong laman
ng mga estrangherong magkakapatid sa kayumangging kulay.
nadilig ng naghalong dugo at pawis,
patatabain ng pulbura at parapina
tutubuan ng mga bansot na ideyolohiyang aanihin
at nanamnamin ng mga susunod na henerasyon na gutom sa higanti.
Muling magiging diyos ang morpina
at patuloy ang walang katapusang krisis ng kris at krus.
KABALINTUNAAN
Tatlong yagit
na kinukumutan ng mga lumang dyaryo
ang natutulog
sa malamig na pasilyas sa tapat ng simbahan ng metodista.
pakainin ang nagugutom
painumin ang nauuhaw
kupkupin ang walang tahanan.
Sa bibliya lang.
LINGGO NG PALASPAS AT ANG PULUBI SA SIMBAHAN NG ST. CHARBEL
Nakatutulig..
ang paghampas
ng tigsasampung pisong pinagbungkos na mga dahon
Naghihintay matalsikan ng holy water.
Sumasabay..
sa himig
ng isang banal na awit, ang gutom kong sikmura
Naghihintay ang lata kong matalsikan ng barya.
COUNTERSTRIKE
Mga latang yupi at mga upod na gomang tsinelas,
mga batang animo bakang nakatuwad sa gitna ng makikitid na iskinita,
nakalulungkot na hindi ko na nakikita.
Wala ng namumulot ng makikintab na sigay panungka.
Nagtago ng tuluyan ang nangagtataguan.
Wala na
ang tinggang ihininang sa makulay na plastik,
ang mga guhit sa lansangan at mga pamatong bato,
ipinagpalit na sa counterstrike..
SI DODONG
Di nya na maalala kung pano nagsimula
ang walang hanggang paglakad
sa kahabaan ng malate.
Marahil dahil sa tagal,
O dahil wala na syang pakialam sa oras,
at sa mundong dati nyang kinabilangan.
Pero bakas kong matagal na
Sa haba ng mga kuko nya.
Sa kapal ng kalyo sa magkabila nyang paang
walang tsinelas.
Sa haba ng buhok nyang kulot at dikit dikit..
Sa balat nyang binalot na ng libag..
Sa damit nyang punit punit,
At sa diwa nyang nawawala.
Lalong di nya na masasagot ang iba ko pang mga tanong
Kung anong tunay nyang pangalan..
San sya nanggaling
Bakit nya kinakausap ang mga langgam..
Bakit sya palakad lakad
San sya patungo
Siguro
katulad ko rin syang nag-isip ng malalim
at nalunod.
Nangarap ng mataas, subalit nahulog.
O nanaginip
at di na piniling gumising sa malupit na katotohanan..
Siguro.
Wala akong ideya.
Wala ni kaunti.
Pero meron akong dalang tinapay
isang boteng tubig..
at isang stick na yosi.
Na nagpangiti sa kanya..
Pasaporte para ituring nya kong kaibigan..
At maging bahagi
ng natitira nyang katinuang pinipilit kong iligtas.
© Ricardo Añonuevo Palaypay
RUSH HOUR
At day's end, we slip
Into the knot of jeeps
Clogging these
Narrow streets.
Once seated, we lean
Into each other
Like sardines packed
Into a moment's space
Enduring the discomfort
Enclosed spaces bring.
Round the corner,
A further snarl
Of traffic weighs
Heavy on our brows
What to do while
In transit home?
Talk to you, perhaps
Initiate idle talk
But you are somewhere else
Beside me, your thoughts
Falling on some distant roar
Of a furtive taxi.
Suddenly the snarl
Of engines hits us
Traffic moves.
We feed on the silence
That follows
The fault growing
Between us.
© Mael M. Paranial
Twenty something Mael M. Paranial writes from Davao City.
Narasan ed Dalan
(Composed while driving to San Carlos amidst the fury of typhoon
Chedeng)
Itepel mo ni so eras
Anggano sakey nin oras
Agla piga sika
Oalay iparongo dan dila'y baka
Ompano oala met so pising
Ya inluto nen Tia Rebing
O dino nitib ya manok adobo
Binuburan o guramin buro.
Ipaoay yo met la kari
Satay ampetapetang ya kare-kare
Anda pa la sirin tay niluto
Ta narnarasan lay Toto*
* the author's nickname.
© Carlos M. Pizarro
Quezon City / Pangasinan
TAMA NA SA AKIN ANG TATLONG BITUIN
Daming nagsasabing
magaling
ang may limampu't dalawang bituin.
Ngunit
tama na sa akin ang tatlong bituin.
Ang tatlong bituing isinupling
ng punlong lumagot sa kadena
ay makinang pa
sa pinakamakinang na ginto.
Samantala'y ang limampu't dalawang bituing
karamiha'y pinitas
sa langit ng ibang bayan
ay higit pang pangit
sa kalawang.
Ang galing ay wala
sa dami ng bituin.
Tama na sa akin ang tatlong bituin.
SA ISANG PINASLANG NA WELGISTA
Ikaw raw ang nanghalina kay Kamatayan.
Kung bakit daw kasi ikaw
at ang mga kasama mo
ay bumangga sa dinding.
Kung sila'y sumasama sa inyo,
may dinding pa kaya?
SISA
Ang lunas ng lipunan sa iyong karamdaman
ay pagkutyang walang patid
ng mga labing humahalik sa paa
niyaong diyablong dumayo sa ating lupain
upang ihasik
ang walang kapantay na pagpapahirap
na siyang pumatay sa iyong katinuan.
Tumatawa ka.
Tama lang na tawanan mo sila--
pagkat ang totoo,
sila ang lalong baliw!
© Alexander Martin Remollino
Website: http://ourthoughtsarefree.blogspot.com/
Si Alexander Martin Remollino ay isinilang noong 1977. Nag-aral
siya ng Legal Management sa UST mula 1994 hanggang 1998, subalit
nagpasyang maging manunulat.